Your cart is currently empty!
SHOW-MY – Salve Asis – Pilipino Star Ngayon
June 23, 2023 | 12:00am
Malapit na malapit na ang July 1.
Ito ang araw na mag-uumpisa ang pagbabalik ng Tito, Vic and Joey sa free TV – TV5.
Pero bago ‘yan, nakasama muna ng TVJ si Aling Puring, ang brand icon ng Puregold, kung saan pumirma sila ng kontrata bilang pagpapatuloy sa kolaborasyon kasama ang kumpanya upang ipinagpapatuloy ang mahaba at makabuluhang pakikipagtambalan nila.
Sa pagsisimula ng kumpanya, noong mas kaunti pa sa 50 ang mga tindahan ng Puregold, nakipagtambalan na ang kumpanya kina Vic at Joey.
Ngayon higit 500 na pala ang mga tindahan ng Puregold sa buong bansa, at nasasabik sila na makamit ang marami pang mga tagumpay kasama ang buong TVJ.
Isa nga ito sa mga endorsement nila na naunang nag-declare ng suporta sa kanila noong nagkaproblema ang kanilang programa sa TAPE Inc.
Author Details
Leizel Trinidad Jacobsen is a prominent figure in the Filipino-American community, particularly within the state of Nevada. As a dynamic leader and an advocate for the Filipino-American voice, she has contributed significantly to amplifying cultural representation and fostering unity among the Filipino diaspora.
Advertisement
Recent News