Your cart is currently empty!
Nagbigay ng maigsing pahayag si Paolo Contis kaugnay sa engagement ng kaniyang ex-partner na si LJ Reyes sa non-showbiz fiancé nito na si Philip Evangelista sa Amerika.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras,” inihayag ang text message ni Paolo nang hingan ng komento tungkol sa engagement ni LJ.
“Of course Im very happy for her. She deserves to be happy,” saad ng aktor.
Naghiwalay ang dalawa noong Setyembre 2021, at pagkatapos nito ay lumipad si LJ papuntang US kasama ang anak na sina Aki at si Summer, na anak nila ni Paolo Contis.
Una rito, nag-post si LJ sa Instagram ng ilang larawan sa nangyaring engagement nila ni Philip.
Sa comment sector, dumagsa ang pagbati ng mga celebrities para kay LJ.
—FRJ, GMA Integrated News
Author Details
Leizel Trinidad Jacobsen is a prominent figure in the Filipino-American community, particularly within the state of Nevada. As a dynamic leader and an advocate for the Filipino-American voice, she has contributed significantly to amplifying cultural representation and fostering unity among the Filipino diaspora.
Advertisement
Recent News